Martes, Mayo 24, 2011

Anong ginagawa mo?

Sabi  ni Bob Ong, iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala. At lalong iba ang walang magawa sa ayaw gumawa.

 Wala akong magawa, wala akong magawa, wala akong magawa!!!! wala akong makausap walang maganda sa TV walang bago sa internet at walang nag rereplay sa mga kaibigan ko. WALA AKONG MAGAWA!  minsan naiisnip ko kaya siguro nag papakamatay ang mga tao dahil wala silang magawa wala silang nagawa sa problema nila... Naisip ko din na wala din kayang magawa and sayantist nuong unag panahon kaya nila na gawa ang mga kakaiibang bagay na un? Nung lumubog ang Titanic ano kaya ginawa ng mga tao ano ang una nilang ginawa? O kaya anu kaya ang nasa isip nung kapitan ng Barko? naisip kaya nya kung bakit wala siyang nagawa sa pag bangga nito sa malaking yelo? Sabi ng kaibigan ko may mga malalaking bagay na nabubuo dahil wala lang magawa ang ibang tao katulad ng mga Fraternity siguro kung may ginagawa sila sa skul nag  mga panaho na yun eh hindi sila makakabuo nun walang gulo sa kalye mas matino sana ang mga nagagawa ng mga estudyante. Ngayon sa Maynila  may mga bagay naman na msarap gawin pero bawal dahil magagalit nanay mo o kaya mga bagay na masarap gawin kasi alam mong may ginagawa ka at masaya yung iba sa ginawa mo. O kaya yung gagawin ko dahil hinahamon ako kung kaya ko bang gawin yun? tapos nagawa ko. O kaya yung mga bagay na gagawin ko sa isang tao para mapatunayan sa kanya na yan yung kaya kung gawin para sayo tapos ngingiti lang sya o kaya tatawa dahil mali yung nagawa ko o kaya talagang nakakatawa yung ginawa ko. Meron din namang mga maling gawain na nakakatawa tulad ng kembot ng kapit bahay naming batang lalaki at pag sakay ng kaibigan ko sa bisekleta ng pabaliktad. Meron namang mga gawaing mali at hindi na kakatuwa. ikaw anong ginagawa mo sa buhay meron kana bang nagawa? o kaya naman ginagawa para magawa mo yung gusto mong gawin pag dating ng panahon? o kaya naman gagawin para mas kapakipakinabang ka pag dating ng panahon. Ikaw? may magagawa ka pa ba ngayon may ginagawa ka ba ngayon?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento